Ako po pala si K, Registered Nurse at isang Financial Educator sa International Marketing Group ngaun. Teka muna panung ang isang nurse ay napasok sa ganyang kalakaran? Isa po akong certified gastador mula pa nuong iniwan kami ng mga magulang ko para magabroad, naging adik ako sa pag gastos.
Alam mo po ung movie na “Shopaholic” kung san hindi mapigilan ng lead actress ang pag waldas ng pera sa pamimili, hindi nya mapigilan ang pag gamit ng kanyang credit card to the point na "max out" na niya lahat ng kanyang credit limit kahit wala itong pambayad, hanggang sa hinahabol na siya ng mga nakautangan nito.
Ganya na ganyan din ako hindi lang sa mga material na bagay pero kasama narin dyan ang pagkain sa labas, paggimik (bar hopping) at madalas na pagpunta sa dagat, panlilibre sa mga kaibigan at higit sa lahat pasusustento sa pangangailangan ng naging BF ko.
Marunong din ako magipon, para sa inyong kaalaman, pero para lamang ito sa paghahanda sa weekend, bagong gadget or okasyon.1 day millionaire kung baga, ending butas parin ang bulsa.
May kaibigan akong alam ang ganitong sistema ko pag dating sa paghahawak ng pera, at sinabi nyang "kita tayo! punta ka sa bahay namin, tuturuan kita sa Math". Isang hindi kapanipaniwalang linya ng kaibigan kong nagpapatulong sa akin pag dating sa mathematical problem solving. Ganun pa man, pumunta parin ako. Laking gulat ko nung may mga iba pa akong kasama roon na hindi ko kakilala. Whoa, isa palang small group seminar ito tungkol sa money management, wealth building,
FINANCIAL EDUCATION, yan ang tawag nila sa seminar na dinaluhan ko. Kapag sinabi ng kaibigan ko sa akin na "halika attend ka ng financial education, turuan kita panu humawak ng pera ng tama" sa tingin mo anu ang gagawin ko pupunta pa ba ako o hindi na?....
Malamang hindi na kasi feeling ko naman alam ko na yan kasi wala naman ako talgang problema pag dating sa pera kasi sunod sa luho ako eh..
Pero actually, hindi pa tumatak sa akin ung inaral ko, no big deal parin yun sa akin pagkatapos nun kasi feeling ko hindi naman kami mauubsan ng pera dahil abroad nga ang magulang ko so panay parin ako sa pag gastos, hanggang sa hindi na pinapasahod ang tatay ko, may mga loans pa kaming kailangan bayaran at ako dahil nasanay sa luho, kailangan isustain ung nakasanayan nabaon na sa utang naisanla ko na lahat ng alahas ko.
After 3 yrs, from the seminar...
Ngaun ko palang nakikita na mahalaga pala ng inaral ko nuon, kung sinnod ko lang sana ung mga tinuro at pinamuhay ung mga konsepto hindi sana ako nahirapan ng husto.
Hindi pa ako bayad sa mga utang ko at hindi ko pa nababawi ung mga nawala sa akin, pero unti unti at dahan dahan mababawi ko rin lahat.
I have learned the hard way at ayokong magaya ka sa akin kaya nagpasya akong ituturo ko rin sa iyo ang mga natutunan ko. H'wag mo ng antayin may hindi magandang mangyari bago mo gawan ng aksyon ang iyong pinansyal na pangangailangan kahapon, ngaun at lalo na kinabukasan.
Tanggapin mo man o hindi, lahat tayo may financial struggles pero mind you kung pera ang problema mo last year, at pera parin problema mo ngaung taon sisiguraduhin ko sa iyo na pera parin magiging problema mo next year kung hindi mo gagawan ng paraan yan ngaun.
Kung handa ka ng baguhin ang nakasanayan mo at mapaganda ang kinabukasan mo wag mo kalimutang kontakin ako
Kaye Tecson, RN
Financial Educator
0917 655 9572
xtrmbuilder.13@gmail.com
No comments:
Post a Comment